Saturday, June 9, 2012

What Makes a Good Writer? (wow! english)

Nahahati sa dalawang hemisphere ang utak ng tao, the left and the right. At ang sabi nila kapag mas nagfufunction ang left side ng utak ng tao magaling sya sa Math, English, Logic, Maparaan at Analytical samantalang ang right hemisphere naman daw eh yung mga taong happy go lucky, Creative, magaling sa music, magaling sa symbols at images. Hindi ko alam, pero naguguluhan talaga ako.


Nung high school ako, ang pagkakaalam ko magaling ako sa math. Oo, magaling ako sa math, natry ko na pumunta sa isang kilalang unibersidad para umattend ng Math-tinik. Big time di ba? At hindi lang yun, panlaban din ata ako ng school namen sa English Proficiency Division level. Active din ako sa pulitika noon, dahil parati akong nagiging officer sa room namen, parating president na nagiging instant utusan ni Ma'am at taga salo ng kasalanan ng buong klase. Part din ako ng Supreme Student Government na taga kuha ng ID ng mga late sa flag ceremony.

Ngayong college naman, nawalan ako ng time para sumali sa mga Organizations sa college namen. Natry ko pa nung first year na maging part ng Guild namen kayalang nakakasawa na, andaming ginagawa at inuutos kaya ayun, umalis ako. Ngayon malapit na ako gumraduate na wala manlang extra curricular.

Creative naman ako minsan, pero minsan lang talaga marami akong naiisip pero hindi ko na kaya gawin. Masayahin akong tao, yung tipong Go lang ng GO. Frustrated singer at ayokong kumakanta na naririnig ng iba. Ewan ang gulo ko, pero pano nga ba ako magiging manunulat?

Maari nga bang magkarumble rumble ang katangian ng left and right hemisphere? Para maging magaling na writer, dapat daw magaling ka magsulat. Marunong ka gumamit ng mga matatalinhagang salita pero maiintindihan pa rin ng mambabasa mo. Marunong ka gumawa ng magandang talata gamit ang malulupit na pangungusap. Hindi ka lamang magsusulat, iisipin mo din ang magiging epekto nito sa mga mambabasa mo.

Hindi naman kailangan maging sobrang seryoso, yung tipong parang ikaw na lang ang nakakaintindi sa sarili mo. Masarap magsulat lalo na kung may inspirasyon ka, nakikinig sa magandang musika at sabay sa paglikha ng iyong obra.

Siguro nga mas effective yung writer na baliw, yung magaling sa logic pero gumagamit ng puso. Marunong MINSAN sa math pero mahusay mag-imagine ng kung anu-ano. Maraming alm pero di binabalewala ng mga pananaw sa buhay. Astig magformulate ng strategies pero kinoconsider ang mga possibilities. Seryoso kapag nagtatrabaho pero kalog talaga at sadyang magulo. Kanya kanya siguro tayo ng trip sa pagsusulat at kanya kanya din tayo ng katangian. That's why all writers are crazy in their own way. :)




No comments:

Post a Comment