Tuesday, June 5, 2012

Ang Pinagmulan ng Lahat..

Isang gabi hindi ako makatulog, paikot ikot lang ako sa higaan. Wala din akong load kaya siguro nag-isip na lang ako. Ewan ko ba, madalas naman ako mag-isip kapag gabi. Lalo na kapag tahimik, payapa at wla ng ibang gising, sa mga ganitong oras buhay na buhay ang kaluluwa ko upang kwentuhan ang sarili ko ng mga istoryang hindi ko maintindihan kung sino ang bida at kung san mapupunta.

Masaya ang gabing to, siguro kase nakita ko yung crush ko na nakatira malapit sa bakery. Tall, dark and handsome, magaling magbasketball kayalang maraming bisyo. Alak gabi-gabi tila tubig na lang sa kanila at yosi maya't maya na parang may factory ng usok sa lalamunan. Pero okay lang, crush ko lang naman sya eh, inadd ko sa facebook kaya friends na kami. Napapangiti ako kapag nakikita ko sya kahit na di nya ako napapansin, ganun naman yun eh, tlease masaya ako.

Going back, nakahiga na ako, ikot ng ikot. Sa sobrang dami ng kwento ko bigla kong naisip na isang taon na lang pala magmamartsa na ako sa entablado, suot ang itim na toga at kukunin ang aking diploma. Buong buhay ko, never akong nakaramdam ng katamaran sa pagpasok sa school, sa pag-aaral, bsta nag-eenjoy ako. Pero iba pala kapag 4th Year ka na, hindi nalang basta grades sa math, science at english ang problema ko, hindi na lang basta kung sino ang magiging prof ko. Kapag 4th year ka na pala, mararamdaman mo yung pressure, pressure na kaya ka nag-aral ng maraming taon eh para makahanap ng trabaho at kumita ng pera.

Natatakot ako na baka pagkagraduate ko maging isang call center agent lang ako, hindi ako against sa mga call center agents, pero para saken gusto ko magamit yung maraming taon na pinag-aralan ko upang makakuha ng trabahong angkop sa kurso ko. MAMAMAHAYAG. yan ang gusto ko pagdating ng araw. Hindi man ako makita sa harap ng camera at TV, masaya na ako na makita yung pangalan ko bilang isa sa mga taong nasa likod ng isang magandang show na hindi lang basta nakakalibang kundi yung may matututunan at laman.

Naniniwala ako na magiging successful din ako balang araw, hindi man magiging  madali sa umpisa ngunit alam kong kakayanin. Hindi ako basta susuko dahil alam kong hindi man ako magaling magsulat, alam kong hindi pa huli ang lahat para matuto at maging magaling.

Nakahiga ako, paikot-ikot tapos biglng naisip ko na tamad nga pala ako magsulat sa papel. Tamad gumamit ng ballpen at papel. kaya naisipan ko gumawa ng blog. Blog na magsisilbing sulat kamay ko sa mga kathang isip na nagagawa ko.

:)

No comments:

Post a Comment