Hindi madaling mahalin ang isang writer. Karamihan kung hindi man lahat ay sadyang baliw, yung tipong paiba-iba ng gusto. Moody. Masaya, humahalaklak, masarap kausap tapos biglang malulungkot at mababadtrip, mawawala nalang bigla sa hulog. Maraming alam at hindi basta basta magpapatalo sa isang argumento, hindi ka basta mananalo. Duman ata sa Debate ang mga writer. At kadalasan mahirap intindihin, weird. Iba kse mag-isip ang mga manunulat.
Ang writer kailangan ng sapat na oras para mag-isip, hindi yung tipong isang yayaan lang sasama kaagad. Hindi kaladkarin, may nilalaan kase silang oras para magsulat.
Hindi mo basta basta madadaan sa mga pick-up lines at mga korning banat na kinakikiligan ng karamihan, iba mag-isip ang writer, lahat inaanalyze. Hindi rin madaling lokohin at lalong hindi madadaan sa mga pambobola.
Hindi mo mayayaya sa sinehan para lang mag-enjoy at manuod, siguradong titingnan nya kung sino ang writer ng pelikula. Aabangan nya ipakita kung sino ang sumulat, hahatulan nya yun, maaaring puriin sa sobrang galing o kaya naman laitin dahil walang dating. Ganyan ang writer.
Hindi nga talaga madaling magmahal ng isang writer pero sa oras na ang writer ang magmahal, daig mo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang swerte. Kakaiba magmahal ang dakilang manunulat.
Kapag sya ang nainlove, parati kang buhay sa mga kwento nya. Parati kang parte ng mga likha nya, parati kang bahagi ng mga tauhan nya. Parati kang buhay sa isip nya, mula sa brand ng relo mo, kung anong height mo at pati kung anong bulaklak ang binibigay mo sa kanya, lahat yun mababasa mo sa mga kwento nya.
Mahirap man intindihin ang mga writer pero makakasa kang kapag ikaw ang nangailangan ng pagunawa, ibibigay nya ang lahat sayo. Lahat ng walang hinihintay na kapalit.
Sobra sya magmahal, lahat ng kaya nyang ibibigay nya, lahat ng kaya nya gagawin nya. Sa oras na mahalin ka ng isang writer, makakaasa kang hindi ka nya lolokohin, hindi na sya titingin sa iba.
Susuporthan ka nya at hahayaang maggrow. Hindi ka nya sususmbatan sa mga naging kasalanan mo kundi hahayaan ka nyang matuto at magtanda sa sarili mo. Tutulungan ka nya maging isang mabuting tao, yun ang magiging kayamanan nyo.
Hindi madaling magmahal ng isang writer pero masarap.
Saturday, June 16, 2012
Tuesday, June 12, 2012
Paano nga ba maging tunay na Malaya?
Ilang taon na nga ba tayong malaya? Sa pagkakaalam ko (dahil nakita ko sa TV commercial) 114 years na mula ng lumaya tayo sa kamay ng mga walang magawa sa buhay na mga bansa kundi ang manakop. Maraming salamat kay Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, Juan Luna, Del Pilar, Silang, Tandang Sora at sa lahat lahat ng mga bayaning nagsulong ng kalayaan ng ating bansa. Kung wala siguro sila, wala tayong ipagdidiwang ngayong araw.
KASARINLAN. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging malaya? Masasabi na nga bang malaya na tayo dahil halos lahat tayo ay may access na sa internet? Na halos ilang kembot lang ay nasa computer shop ka na at kapag sinuswerte may sariling net sa bahay. Malaya bang maitutuning na nakakauwi ka ng madaling araw na galing sa party at nakakaabot sa kung saan saang lugar? Kalayaan ba ang pagtetext ng kung anu-ano at pagpapasa ng mga walang kamatayang chain messages? Tama ba na magtapon tayo ng basura kung saan saan dahil gusto lang naten?
Paano nga ba maging tunay na malaya? Sa dami ng tinatamasa nateng uri ng kalayaan sa panahon ngayon hindi na naten nabibigyan ng importansya ang mahahalagang naidudulot nito sa atin. Naaabuso na ang sinasabing mga karapatan naten na dapat nagdudulot ng mabuti sa bawat isa ngunit kabaligtaran ang nangyayari. Tila ba nagiiging sanhi pa ng ikakapahamak ang sobrang pagtamasa ng kalayaan.
Bilang manunulat, simpleng kalayaan lang naman ang gusto ko mabatid. Kalayaang magsulat upang mabuksan ang isip ng bawat isang Pilipino na lahat tayo ay may hawak ng tunay na kalayaan. Na hindi sapat na nakikipagdiwang lamang tayo sa pakitang taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Na dapat nababasa ng bawat isa na may kahulugan ang kalayaan, hindi lamang basta iwinagayway sa unang pagkakataon ang bughaw, pula, tatlong bituin at isang araw nang ating watawat. Dapat magsilbi itong paalala sa atin na araw araw ay may kalayaan, kalayaan mas isulong at pagyamanin pa ang ating bayan.

Saturday, June 9, 2012
What Makes a Good Writer? (wow! english)
Nahahati sa dalawang hemisphere ang utak ng tao, the left and the right. At ang sabi nila kapag mas nagfufunction ang left side ng utak ng tao magaling sya sa Math, English, Logic, Maparaan at Analytical samantalang ang right hemisphere naman daw eh yung mga taong happy go lucky, Creative, magaling sa music, magaling sa symbols at images. Hindi ko alam, pero naguguluhan talaga ako.
Nung high school ako, ang pagkakaalam ko magaling ako sa math. Oo, magaling ako sa math, natry ko na pumunta sa isang kilalang unibersidad para umattend ng Math-tinik. Big time di ba? At hindi lang yun, panlaban din ata ako ng school namen sa English Proficiency Division level. Active din ako sa pulitika noon, dahil parati akong nagiging officer sa room namen, parating president na nagiging instant utusan ni Ma'am at taga salo ng kasalanan ng buong klase. Part din ako ng Supreme Student Government na taga kuha ng ID ng mga late sa flag ceremony.
Ngayong college naman, nawalan ako ng time para sumali sa mga Organizations sa college namen. Natry ko pa nung first year na maging part ng Guild namen kayalang nakakasawa na, andaming ginagawa at inuutos kaya ayun, umalis ako. Ngayon malapit na ako gumraduate na wala manlang extra curricular.
Creative naman ako minsan, pero minsan lang talaga marami akong naiisip pero hindi ko na kaya gawin. Masayahin akong tao, yung tipong Go lang ng GO. Frustrated singer at ayokong kumakanta na naririnig ng iba. Ewan ang gulo ko, pero pano nga ba ako magiging manunulat?
Maari nga bang magkarumble rumble ang katangian ng left and right hemisphere? Para maging magaling na writer, dapat daw magaling ka magsulat. Marunong ka gumamit ng mga matatalinhagang salita pero maiintindihan pa rin ng mambabasa mo. Marunong ka gumawa ng magandang talata gamit ang malulupit na pangungusap. Hindi ka lamang magsusulat, iisipin mo din ang magiging epekto nito sa mga mambabasa mo.
Hindi naman kailangan maging sobrang seryoso, yung tipong parang ikaw na lang ang nakakaintindi sa sarili mo. Masarap magsulat lalo na kung may inspirasyon ka, nakikinig sa magandang musika at sabay sa paglikha ng iyong obra.
Siguro nga mas effective yung writer na baliw, yung magaling sa logic pero gumagamit ng puso. Marunong MINSAN sa math pero mahusay mag-imagine ng kung anu-ano. Maraming alm pero di binabalewala ng mga pananaw sa buhay. Astig magformulate ng strategies pero kinoconsider ang mga possibilities. Seryoso kapag nagtatrabaho pero kalog talaga at sadyang magulo. Kanya kanya siguro tayo ng trip sa pagsusulat at kanya kanya din tayo ng katangian. That's why all writers are crazy in their own way. :)

Tuesday, June 5, 2012
Ang Pinagmulan ng Lahat..
Isang gabi hindi ako makatulog, paikot ikot lang ako sa higaan. Wala din akong load kaya siguro nag-isip na lang ako. Ewan ko ba, madalas naman ako mag-isip kapag gabi. Lalo na kapag tahimik, payapa at wla ng ibang gising, sa mga ganitong oras buhay na buhay ang kaluluwa ko upang kwentuhan ang sarili ko ng mga istoryang hindi ko maintindihan kung sino ang bida at kung san mapupunta.
Masaya ang gabing to, siguro kase nakita ko yung crush ko na nakatira malapit sa bakery. Tall, dark and handsome, magaling magbasketball kayalang maraming bisyo. Alak gabi-gabi tila tubig na lang sa kanila at yosi maya't maya na parang may factory ng usok sa lalamunan. Pero okay lang, crush ko lang naman sya eh, inadd ko sa facebook kaya friends na kami. Napapangiti ako kapag nakikita ko sya kahit na di nya ako napapansin, ganun naman yun eh, tlease masaya ako.
Going back, nakahiga na ako, ikot ng ikot. Sa sobrang dami ng kwento ko bigla kong naisip na isang taon na lang pala magmamartsa na ako sa entablado, suot ang itim na toga at kukunin ang aking diploma. Buong buhay ko, never akong nakaramdam ng katamaran sa pagpasok sa school, sa pag-aaral, bsta nag-eenjoy ako. Pero iba pala kapag 4th Year ka na, hindi nalang basta grades sa math, science at english ang problema ko, hindi na lang basta kung sino ang magiging prof ko. Kapag 4th year ka na pala, mararamdaman mo yung pressure, pressure na kaya ka nag-aral ng maraming taon eh para makahanap ng trabaho at kumita ng pera.
Natatakot ako na baka pagkagraduate ko maging isang call center agent lang ako, hindi ako against sa mga call center agents, pero para saken gusto ko magamit yung maraming taon na pinag-aralan ko upang makakuha ng trabahong angkop sa kurso ko. MAMAMAHAYAG. yan ang gusto ko pagdating ng araw. Hindi man ako makita sa harap ng camera at TV, masaya na ako na makita yung pangalan ko bilang isa sa mga taong nasa likod ng isang magandang show na hindi lang basta nakakalibang kundi yung may matututunan at laman.
Naniniwala ako na magiging successful din ako balang araw, hindi man magiging madali sa umpisa ngunit alam kong kakayanin. Hindi ako basta susuko dahil alam kong hindi man ako magaling magsulat, alam kong hindi pa huli ang lahat para matuto at maging magaling.
Nakahiga ako, paikot-ikot tapos biglng naisip ko na tamad nga pala ako magsulat sa papel. Tamad gumamit ng ballpen at papel. kaya naisipan ko gumawa ng blog. Blog na magsisilbing sulat kamay ko sa mga kathang isip na nagagawa ko.
:)

Subscribe to:
Posts (Atom)